Ilang bansa, interesado sa Oplan Tokhang ng Pilipinas
Dahil sa daming sumukong mga drug user or druglord, nais ng ibang bansa na tularin ang konsepto ng Pilipinas sa panghihikayat sa mga drug personalities na sumuko sa pamahalaan.
Ayon sa tagapagsalita ng National Capital Region Police Office na si Kimberly Molitas, sa paglahok niya sa International Convention ay humanga ang mga kinatawan ng Colombia, Dominican Republic, Mexico at New York City sa ipinakita niyang konsepto ng Oplan Tokhang.
Binanggit niya na sa Colombia ay nagsimula pa noong 2008 ang kampanya nila laban sa iligal na droga pero hanggang ngayon ay wala pa ring sumusuko sa mga drug suspects doon.
Sinabi niya na nagulat ang ibang bansa dahil libu-libong drug personalities ang sumuko dito sa bansa sa ilalim ng naturang programa.
Una nang inihayag ni PNP chief Ronald dela Rosa na balak ng PNP na kopyahin ang magandang istratehiya ng Colombia tulad ng pagbuo ng grupo na tututok sa mga drug lords.
Source: BOMBORADYO