Sen. Trillanes, balak kasohan ng libel si ThinkingPinoy


Sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV ngayong Martes na magsampa siya ng kaso laban kay RJ Nieto o mas nakilalang ThinkingPinoy dahil sa pagkakalat umano ng "Fake news."

"Well pini-prapare na ng abogado ko yung libel case so kakasuhan namin siya ng libel, yung nagkalat sila ng fake news na tinawag daw ako ni President Trump na little narco," sabi ni Trillanes

"Maliwanag na 'yon doon sa US government website on the presidential pronouncements and interviews, wala talaga doon. So kasinungalingan talaga 'yan. It's a propaganda operation na sasalabungin ko 'yan,"

"Kita n'yo si Duterte, simula't sapul, hindi 'yan nag-apologize kahit sabit sabit na, sablay sablay na. Talagang mali na outright hindi 'yan. Ganon 'yan sila, magkakaparehas.," dagdag pa niya.

Hindi pa binanggit kung kailan siya magsampa ng kaso.

Source: GMA News
Powered by Blogger.