Naputulan ng Daliri ang Holdaper Matapos Gulpihin ng Taumbayan


Gulpi at putol ang daliri ang inabot ng isang holdaper sa may Lacson St. Corner Espana, Sampaloc Manila dahil sa pagnanakaw ng bag at cellphone ng dalawang magka-sintahan.

Pag-uwi ng mga biktima galing sa isang computer shop at habang naglakad tinutukan umano ng kutsilyo sina James Peter at Justine Danielle.

Nagtangka pang lumaban ang isang biktimang si James para ipagtanggol ang kanyang nobya kaya natulak nya ang suspek na nakilala lang sa alyas na 'Marlon' kaya napahiga ito sa sahig.

Agad nakahingi ng tulong ang magkasintahan sa mga tao sa kalsada at dito na ginulpi ang nasabing suspek.

Ayon naman kay Chairman Rickie Andres ng Brgy. 454 zon 45, Sampaloc Manila, umabot pa ng limang minuto silang nakipaghabulan sa suspek bago nila ito na-corner sa may Don Quijote St. Corner Espana.

Makaharap ngayon ang suspek sa kasong robbery-holdup at aminado naman ang suspek sa nagawa niyang krimen.


Source: Inquirer
Powered by Blogger.