Sen. Bam Aquino, umaasang aalisin na ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao


Umaasa ngayon si Sen. Bam Aquino na babawiin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-deklara ng Martial Law sa Mindanao.

Noong May 23, nag deklara ang Pangulo ng Martial Law dahil sa mga teroristang Maute na sumugod sa Marawi City.

Ang pahayag ay ginawa ni Aquino makaraang mapatay ang dalawang lider ng teroristang grupo na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Ayon sa mambabatas, tagumpay ng maituturing ang pagkapatay kina Maute at Hapilon kaya panahon na para ibuhos ng pamahalaan ang atensyon sa pagbangon at pagpapaunlad ng Marawi City.

Giit ni aguino, maituturing ng ligtas na ngayon ang buong bansa kasama ang Mindanao at para sa mga Filipino ay marapat lang na maibalik na ang normal na buhay ng mga pamilyang Maranao na naapektuhan ng kaguluhan.

Kanina ay idineklara na rin ng pangulo ang kalayaan ng Marawi City mula sa mga kamay ng Abu Sayyaf at Maute group.


Source: Inquirer
Powered by Blogger.