Pinay 'Maute-ISIS recruiter' sinampahan na ng kasong Rebellion - Panoorin

Iprinisinta sa media ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang babaeng nagre-recruit ng mga foreign nationals at locals para sumanib sa Maute-ISIS terrorist sa Marawi City.
Naaresto ang suspek na si Karen Aizha Hamidon sa bahay nito sa Taguig City nitong October 11 sa bisa ng isang search warrant.
Ayon sa National Bureau of Investigation, naging person of interest si Hamidon noong kalagitnaan ng 2016 matapos itong makahikayat ng ilang Indian nationals na pumunta sa Pilipinas para sumali sa radical groups sa Mindanao.
Nahanap umano sa cellphone ni Hamidon ang 296 online posts nito nang ukol sa recruitment ng mga bagong miyembro ng ISIS at pagsusulong ng rebelyon sa Marawi.
Sinampahan rin si Hamidon ng 14 counts ng inciting to rebellion kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sinasabing asawa si Hamidon ni Mohhamad Jaafar Maguid alyas "Tokboy" at "Abu Sharifa", na itinuturong lider ng Ansar Khalifa Philippines na responsable sa pambobomba sa Davao City night market noong December 2016.
SI Hamidon ay naaresto ng NBI Counter Terrorism Division sa kanyang bahay sa Taguig City noong Oct 11,2017 sa bisa ng Search Warrant.
Panoorin ang video:
Source: ABS-CBN News | RMN | Interaksyon