‘NAGTRAYDOR DAW AKO?’ - Trillanes, Pinalagan ang Posibleng Paghahain sa Kanya ng Treason

“Nagtraydor daw ako sa bayan dahil nakipag-usap ako kay US Sen. Marco Rubio kahit pa sinabi na niya mismo na PH-US alliance, corruption and human rights situation ang pinagusapan namin,” yan ang buwelta ni Senador Antonio Trillanes sa mga bumabatikos sa pagpunta niya sa United States para kausapin si Sen. Marco Rubio.
“Pwede ba, umayos kayo!” Dagdag pa ni Trillanes sa posibleng pagsasampa sa kanya ng Department of Justice ng kasong treason o pagtatraydor sa bayan.
Katwiran ni Trillanes, kung pagtatraydor ang kanyang ginawa ay ano naman aniya ang tawag sa mga protektor ng isang presidenteng pumatay at nagpapapatay ng mga Pilipino.
Nauna na rin niyang pinasinungalingan ang kumalat na isyu na pinigilan daw niya ang pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa para sa ASEAN Summit sa Nobyembre. “To be clear, I did not try to stop the state visit of Pres. Trump since these things are carefully planned and cannot be stopped on the mere say so of a Philippine senator,” paglilinaw ng senador.
Tanong ni Trillanes, matatawag bang bayani ang nabanggit na mga indibiduwal?
Source: RMN | news.tv5.com.ph