Goodnews! Pinal na pagtatapos ng giyera sa Marawi, idedeklara bukas

Inaasahang idedeklara ng Armed Forces of the Philippines o AFP na tapos na ang giyera sa Marawi City bukas, araw ng Linggo.
Ito ang inanunsiyo ngayon ni WestMincom chief Lt. Gen. Carlito Galvez sa Camp Ranao sa lungsod.
Ayon kay Lt. General Galvez, ito ay dahil iilan na lamang na mga teroristang Maute ang kanilang hinahanap sa maliit na area na lamang ng syudad.
Ang hakbang ng AFP ay kasunod na rin sa pag-pullout simula ngayong araw ng Marine Landing Battalion Teams at Marine Special Operations Group.
Tiwala si Galvez na kayang-kaya na itong tapusin ng militar ngayong araw para bukas ay opisyal nang matapos ang krisis sa syudad.
Paliwanag ni Gen. Galvez, “insignificant” na ang giyera ngayon sa Marawi lalo na at malinaw na one sided na ito at pabor sa gobyerno.
Martes nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang syudad matapos na mapatay ang mga natitirang lider nito na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Source: Dwiz882AM | Bomboradyo