Goodnews! Mga sundalo sa Marawi, pagbabakasyunin sa Hong Kong ni P-Duterte

Pinaplanohan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabakasyunin ang mga sundalong nakikipagbakbakan ngayon sa Marawi City sa sandaling matapos na ang giyera laban sa mga teroristang Maute.
Ayon sa Pangulo, bibigyan niya ng premyo ang mga sundalong may medal of valor sa pamamagitan ng bakasyon sa Hong Kong.
Nangako ang Presidente na maraming sorpresang darating para sa mga sundalo kaya umaasa itong ligtas ang lahat hanggang matapos ang krisis sa Marawi.
Source: REMATE