CJ Sereno at Morales, hinamon ni P-Duterte na sabayan siyang magbitiw sa puwesto - Panoorin
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sila’y magbitiw sa puwesto.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasabay ng pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng IBP o Integrated Bar of the Philippines sa Davao City.
Sinabi nito na dapat daw i-prioritize ni Morales ang mga kasong inihain sa Office of the Ombudsman ilang taon na ang nakalilipas kaysa pagtuunan daw ng panahon ang reklamong isinampa ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa kanya.
“I now challenge Carpio to resign with me at itong si Supreme Court Justice, sige nga,” ani ng pangulo.
Kinuwestiyon ng Pangulo ang pag-una raw ng Office of the Ombudsman sa mga kaso na katulad niyang hindi naman daw totoo.
“Ikaw may kaso, Morales, unahin mo ‘yung mga kaso na nai-file nang matagal na. You are in on a selective justice, pu—— bakit nauna ‘yung mga, ‘yung amin na hindi pa totoo,”
Inakusahan din ng Presidente sina Carpio at Sereno na umano’y pumayag na magamit sa alegasyong korapsyon laban sa kanya.
“Kasi ito ‘yung surot. Nagpapagamit ‘yang dalawa eh. Edi mag-resign tayo. We will go to Congress in a simple ceremony, we sign the letter of resignation and let us open all the book pati inyo.”
Ayon sa ulat ng GMA, matatandaang inanunsiyo ng Office of the Ombudsman noong nakaraang linggo na sisimulan na nila ang imbestigasyon sa diumano’y multi-billion pisong yaman ni Duterte at pamilya nito, base sa reklamong inihain ni Senador Antonio Trillanes IV.
Panoorin ang video dito: