Duterte naglabas ng hinanakit at galit dahil sa maling pagdawit sa kanyang manugang at anak

Muling nagpakawala ng birada si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagdadawit sa katiwalian sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng EastMinCom sa Davao City, isa sa mga pinuntirya ng pangulo si Sen. Antonio Trillanes IV na matagal na raw galit sa kanya at kanyang anak na bise alkalde.