Bangkay ng batang babae, muling hinukay alamin kung bakit

Isang batang ilang araw nang patay pero hindi pa matigas at malambot pa ang katawan ang usap-usapan ngayon sa Ilagan, Isabela.
Sinabi ng kanyang ama na si Jimmy Jacinto na ang 4-anyos na bata na si Jenny Rose Jacinto ay nilagnat noong Lunes, Agusto 28, 2017. Humupa na sana ang lagnat kinabukasan matapos painumin ng gamot pero muli itong bumalik ang sakit na lagnat at kasama narin ang panginginig noong gabi ng martes kaya agad nilang isinugod sa malapit na ospital, pero 'Dead on Arrival' na ang bata. Kaya inuwi nila ang bangkay at nilamayan hanggang sa paglibing noong biyernes, Setyembre 1, 201 7.

Ngunit pinagsabihan sila sa kanilang kamag-anak na si Gemma Jacinto De Villa at sinabing naipayo ng albularyo na buhay pa daw ang bata na nagbunsod sa isang pasya, binalikan ang sementeryo at inilabas ang bata sa loob ng nitso.
Sila ay namangha ng binuksan nila ang ataul, malambot pa at hindi nakitaan ng pagkaka-agnas ang bata.
yon sa mga magulang at kamag anak ay tatlong beses na itong umihi at dumumi kaya pinapalitan pa rin nila ang kanyang diaper. Kanila ding pinapainom ang bata sa pamamagitan ng pagpapatulo ng tubig sa bunganga nito.

Source: RMN.PH <~ Click to read more