Nagpapanggap na isang Police Official Tiklo ng Special Operation Unit ng PNP-CIDG

Arestado ng Special Operation Unit ng PNP-CIDG ang nagpapanggap na opisyal na pulis na nadakip kanina sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Kumpleto sa uniporme, calling card, baril, at police insignia, tila hindi aakalaing nagpapanggap lamang ang kinilalang si Robert Esperanza na nagpakilalang Senior Superintendent at Deputy Director for Operations ng SAF.
Ayon sa suspek, sumama ang kanyang loob dahil sa kabiguang maging pulis matapos bumagsak sa PNPA Exam taong 1990.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos mapagalamang may reklamo rin ng pangingikil laban kay Esperanza.
SOURCE: PTV