Sablay ang coordination sa Marawi - Sen. Honasan
Hindi failure of intelligence kundi ‘failure to coordinate’ ang posibleng dahilan kung bakit hindi agad nalaman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang paglusob ng Maute group sa Marawi City.
“This is a failure of our ability to coordinate,” diin ni Sen. Gregorio Honasan, chairman ng senate committee on national defense and security.
“Siguro may nakakita na may armadong grupo, na may nangyayari na, hindi agad inireport,”paliwanag ni Honasan.
Ayaw nang sisihin ng senador ang intelligence agency ng AFP at PNP sa paglusob ng Maute Group dahil kahit umano ang mga mayayamang bansa sa mundo ay nasisingitan ng mga terorista.
“Kung iyong pinakamalalaki at mayayaman na bansa nasisingitan tayo pa?” katuwiran ng senador.
Kumbinsido si Honasan na hindi na kakalat pa sa ibang bahagi ng Mindanao ang kaguluhan sa Marawi City dahil sa kontrolado na umano ng mga awtoridad ang sitwasyon doon.
“Kalma lang tayo kasi the situation is contained and localized,” ani Honasan.
Source: Abante.com.ph

No comments